ako nung nag lalaro sa tabi ng refrigirator |
Unang baitang ,bagong guro ,bagong kaibigan ,bagong kamag-aral, bagong karanasan ,nakakapanibago pala sa pakiramdam ang lahat ay bago. marami agad akong naging kaibigan, nakakatuwa me nag papaiwan meron din namang ayaw pa katulad ko na kinakabahan natatakot ,pero sa isang banda masaya yung pakiramdam para bang mama na ako. sa pag aaral pala marami kang malalaman, maging sa mga guro para ding nanay sa paaralan, merong ubod ng bait, meron din stirkto pero para sa akin mas okey yun kasi yung kinabukasan ng magiging kaalaman namin ang nakasalalay.
Ikalawang baitang ,marunong na ako sa ibang bagay katulad ng pagkain sa tanghalian ng ako na lang,pag pasok ng nag iisa habang kasabay ang iba kong (klasmyt)medyo kaibang pakiramdam na malaki kana talaga,.
Ikatlong baitang ,ibang guro ulit pero dating mga kaklase yung iba me mga crush na, yung iba parang wala parin katulad ko laro lang ginagawa, ang itim ko kasi palagi kame sa laruan. si mama naka-alalay parin syempre lalo namasama ang panahon.
ikaapat na baitang panibagong karanasan lalo na sa pag bibinata ,kwentuhan ng mga kaklase ko nakakatkot daw pero sabi nila dun napapatunayan na ganap na akong mama, ang sakit pero proud ako na kaya ko pala. nakakatuwa ang ina ko takot na takot, kaya hayun ang lola ko ang nagbantay ,pag-uwi ko ng bahay ang ama ko naman ang nag asikaso. nakakatawa lang ang gamit ko puro pam babae ,palda halos isang linggo nakaraos ang pag bibinata ko grade five.ganon parin aral, laro, baon, malapit na isang taon na lang grade six na ako. nkaka-kaba na nakaka-exciting sa bayan na ako papasok ,tinuturuan na ako ng ina ko na sumakay mag isa , para nga naman masanay na ako araw ng graduation ng elementarya ,ang sarap picture-taking tapos tanungan kung san papasok, kuhanan ng exam me naipasa ako sa private school pero naging praktikal ang ina ko na sa dizon ipasok na gusto ko naman dahil nabalitaan ko magagaling magturo at napatunayan ko, magagaling ang mga guro ko
Pag katapos ng lementarya highschool naman bagong karanasan, bagong kaibigan, bagong kaalaman, bago yun bakasyon muna, me tatlo akong kaibigan kasamahan sa lugar namen na pag ka bakasyon mag kakasama kami. masaya, me kulitan, minsan naglalaro ng bola, minsan pumupunta sa ibang lugar. ganun ka simple ng bakasyon ko , natatapos sa loob ng dalawang buwan.
Unang tungtong sa highschool maraming estudyante nakatulad ko bago, na namang karanasan ,hanap ng section, guro at room .nakakailang kasi hindi mo mga kakilala. unang pasok, pakilala, "ako po si johnvin joshua e. calabia ng brgy. san gregorio san pablo city "simple palakaibigan at mahilig makipagkaibigan. mahirap pala ang 1rst year high school pero okay lang ganun talga , kailangan matutunan mo ang mga aralin at pag aralan ang lahat. lumipas ang mga buwan , araw ng taon ang sarap kapag malapit na dumating ang buwan ng disyembre ,pasok, pahinga at bakasyon sa mga aralin sa talgang pag susumikapan matutunana. enero,febrero,marso ang lapit na matatapos na ang unang taon ng high school ,bakasyon ulit.
Second year highschool,medyo mahirap na ang mga aralin pero syempre maraming dagdag na kaalaman. andyan yung me mga kakilala ka ng dati at bagong kakilala ang ina at lola ,nag iipon ulit ng pabaon at pan tustos sa mga pangangailangan, meron din nakakatuwa kasi marunong na akng humanga sa mga babae at hindi nmen maiiwasan yun. pero, hanggang pag hanga lang na ako lang me alam, pag-aaral muna. masaya namang mag arak lalo na at me mga oaksyan, mga palaro o mga duarayong ibang mga mag-aaral, magulo pero ubod ng saya, proud ako lalo at sa paaralan namin ginaganap
3-H with mam omana (class picture 09-10) |
kahit nag ii-sa akong anak tinuruan ako ng ina ko na matuto mas maganda na raw alam lahat ng hindi mahirapan sa lakaran ng buhay,
c analyn po ang best friend ko |
si xantino ang aking alaga(kapatid at the same tym) |
ako nitong mag tatapos na |
Sa katulad kong estudyante hindi ko masasabi na ganun ako ka-perpekto, nagkaroon din ako ng pag kukulang ,tao lang po ako na nadaig ng tukso, nakagawa po ako ng pagliban sa klase ng lingid sa kaalaman ng ina ko. huli ko na msyadong malaki ang epekto sa pag aaral ko. kailangan pangaralan ako ng ina ko bago mahuli ang lahat. kailangang pakinggan ko ang ina ko kesa patukso ako sa nakapaligid sa akin na pwedeng sumira sa ng pag-aaral ko, ng kinabukasan ko, at na ngako ako sa ina ko na hindi na ako padadaig sa tukso. sa awa ng diyos at sa pagsisikap akong ayusin ang pag-aaral ko, nag concentrate ako at pinakinggan ang payo ng aking mga mahal na guro, ng lola ko ng ina at ama ko ,hindi ko siguro makakalimutan ang buong taon ng fourth year ko, andyan yung field trip namin , npakasaya lahat kame mag kakasama ng namasyal medyo nakakapagod pero ang saya-saya ko sobra . ang bait ng guro ko , alaga nila kame.
Kumbilis ng araw at buwan, heto na ulit ang pasok, panibagong taon. papasok na ang 2011, january pa lang excited na ako hindi lang ako pati nga magulang ko, kasi mabilis ang araw at heto na nga february na, meron ulit kaming JS-prom ang isusuot namin sa taong ito hawaiin nung isang taon pormal kya ngayon iba naman, me souvineir picture ulit kaming JS-prom.
ang bilis talga ng araw maya-maya pa marso na. kinakabahan ako na masaya. parang kailan lang kinder, elementarya ngayon graduation naman ng highschool , ang sarap ng pakiramdam para akong kumpleto na talga , para sa mga mahal kong guro na matiyagang nagturo sakin, salamat po sa inyu kulang ang salamat sa lahat ng nagawa nyo sa buhay ko,utang ko po sa inyong lahat ng naratin ko lahat ng matutunana ko yung mga payo nyo boung puso nyong ibinahagi samin kaya malaking karangalan po na na-kasama ko kayo sa apat na taon maraming pong salamat mga mahal kong guro sa aking magulang, hindi lang po sa buhay ko na ipinag kaloob nyo ang ibinigay nyo kundi walang presyong pa-aaruga pag mamahal at pag-gabay, sa lola ko na pangalawa kong ina palagi ko kayong hinahanap kapag wala pa kayo, utang ko po sa inyo ni mama ang lahat salamat po!. sa aking ama para po ito sa inyo mahal ko po kayo papa...
Ito po ang muting istorya ng buhay ko...
No comments:
Post a Comment